Today, I got my first “singko”

Isang makulimlim na hapon ang sumalubong sa akin nang ako’y lumabas sa aking dorm. Kulay abo ang langit, malamig ang hangin, at basa ang lupain. Para bang nakikiisa ang langit sa aking damdamin.

Habang naglalakad ako papuntang BioSci ay dala ko ang aking sariling inihanda ko na sa mga kataku-takot na posibilidad. Ngunit hindi pa rin maikakailang ramdam ko pa rin ang kaba.

Papalapit ako nang papalapit sa gusali. Lalo ring bumilis ang tibok ng puso ko. Papasa kaya ako? O kwatro? ‘Di kaya singko?

Narating ko ang BioSci. Umakyat ako sa ikalawang palapag upang puntahan ang silid ng aming propesor sa C-222. Maraming nakapaskil na papel sa labas ng silid, ngunit ang hinanap ko lang ay ang “BIO 101”.

Bawat student number na dinadaanan ng aking mga mata’y siya ring pagtindi ng aking kaba. Hanggang sa ayun na. Nakita ko na. Nakita ko na ang student number ko katabi ng aking mga initials. Ang nakalagay…

5. Poor scholastic standing.

Teka baka nagkamali ako. Baka kwatro naman. ‘Yan ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ako makapaniwala. Muli kong tiningnan.

5. Poor scholastic standing.

Pagkatapos no’y hindi ko na inulit pa. Ang sakit pa rin pala. Kahit anong handa ang ginawa ko sa sarili ko’y ang sakit pa rin pala.

Lumabas ako ng BioSci ng parang wala lang. Ngunit ang totoo’y nagsisimula nang sumakit ang aking lalamunan. Gusto kong umiyak ngunit wala namang luhang lumalabas. Ang sakit sa dibdib ngunit hindi ko alam kung paano ito gagamutin. 😦

Sa pagbasa niyo ng kwento ko’y sana huwag niyo akong husgahan. Natutunan ko naman ang aking leksiyon at nawa’y sa pangalawang take ko ng kursong ito’y lubusan ko na siyang maintindihan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s